2 hinihinalang drug pusher, patay matapos makipagbarilan sa Zamboanga del Norte

crime-scene-620x413Patay ang dalawang hinihinalang drug pusher na kasama sa watch list matapos magkaroon ng shootout sa pagitang ng pulisya matapos magkaroong ng buy-bust operation sa bayan ng Kalawit sa Zamboanga del Norte.

Kinilala ni Police Chief Superintendent Billy Beltran, director ng Police Regional Office 9 (PRO) ang dalawang napatay na sina Luie Gumban Bacolod and Ricardo Devila Sidlao Jr. na kapwa kasama sa Top 10 watchlist ng bayan.

Ayon kay Beltan, ang isinagawang buy-bust operation noong Biyernes sa Sitio Tubod, Barangay Poblacion ay ang pinagsamang puwersa mula sa mga bayan Kalawit at Sindangan.

Dagdag pa niiya na nakaramdam ang mga suspek sa isinasagawang operasyon na agad na nagpapputok ng baril sa mga pulis na nagpapangaap na buyer na nagpasimula ng shootout.

Namatay ang dalawang suspek on the spot.

Narekober mula sa kanila ang hinihinalang shabu, drug paraphernalia at isang baril mula sa mga suspek.

Read more...