Ang nasabing pahayag ni Yildrim ay kasabay ng report na isang preoscutor sa Istanbul ang sumulat sa mga otoridad sa Estados Unidos na humihiling na ma-detain ang cleric na si Fethullah Gulen.
Ayon sa Turkey si Gulen , na naninirahan ngayon sa isang rural area sa Pennsylvania mula sa kanyang self-imposed na exile, ay ang mastermind sa bigong kudeta noong July 15 na kung saan ilang grupo ng mga sundalo ang gumamit ng mga tanke, warplanes at helicopters na layong pabagsakin ang gobyerno ng naturang bansa.
Itinanggi naman ni Gulen ang pinaparatang sa kanya at kanyang kinukundena ang naganap na kudeta.
Sinabi ng foreign minister ng Turkey na nakapagpadala na sila ng mga dokumento sa United States at na nakatanggap na sila ng positibong mga senyales sa posibleng extradition ni Gulen ngunit hindi pa nililinawa ng Turkey kung nakapaghain na ito ng formal extradition request sa US.
Ayon sa White House, bibista si US Vice President Joe Biden sa Turkey, ang unang pagbisita ng isang high-ranking US official magmula ng mangyari ang bigong kudeta.