Nagbigay ng partkular na utos si Interior Secretary Ismael “Mike” Sueno kay BJMP Officer-in-Charge, Jail Chief Supt. Serafin Petronio Barretto Jr. na siguraduhing magiging maayos ang imbestigasyon at masasampahan ng kaso ang mga jail personnel na nagkulang sa pagtupad ng kanilang tungkulin.
Ayon kay Sueno na malinaw ang pagkukulang ng mga jail guards ng nasabing kulungan sa pagpapatupad ng mga patakaran nito dahil kung kanilang nasunod ito ay walang kontrobandong makakapasok sa loob ng kulungan.
Dagdag pa niya, nagsasagawa ng sariling imbestigasyon ang BJMP National Capital Region, Philippine National Police (PNP) Scene of the Crime Operatives (SOCO) and the PNP Parañaque Homicide Section.
Sinabi ni Sueno na na nakatanggap na sila ng initial report mula sa BJMP National Headquarters kung saan kanilang ikinalulungkot ang nangyari kaya dapat malaman mula sa isinasagawang impartial investigation ang totoong sanhi ng imbestigasyon.
Upang magbigay daan sa isinasagawang imbestigasyon, inutis na ni BJMP Regional Director, Jail Chief Supt. Michael Escarte Vidamo Sr. ang pag-relieved ang lahat ng second shift duty personnel kasama ang warden at naka duty na Senior Officer of the Day mula sa kanilang mga pwesto, sila naman ay pinalitan ng mga miyembro ng Special Tactics and Response (STAR) Team.
Sa report na ipinadala sa DILG, nakasaad dito na may grupo ng mga inmate ang dinala sa opisina ng warden na si Jail Supt. Gerald Bantang para umanoy maglabas ng kanilang mga hinaing at ilang saglit ditto ay sumunod na ang palitan ng putok ng baril at isang malakas na pagsabog.
Walong inmates ang dead on the spot habang ang dalawa naman ang agad isinigud sa ospital ngunit idineklara ring dead on arrival.