Ayon sa PAGASA, mararanasan ang habagat sa Kalakhang Maynila at sa mga probinsya ng Zambales, Bataan, Pampanga, Pangasinan, Nueva Ecija, Tarlac, Bulacan, Rizal, Cavite, Laguna at Batangas.
Sa Metro Manila, iniligay sa critical alert ang Marikina River at La Mesa Dam matapos malapit na ang mga ito umabot sa kanilang spilling levels na nagbunsod sa lokal na gobyernong Quezon City at Marikina na mag-abiso ng evacuation sa mga apektadong lugar.
Magpapatuloy ang pag-uulan sa mga prbinsya ng Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Mimaropa at Western Visayas.
Dagdag pa ng PAGASA maulap na kalangitan namay mahina hanggang katamtaman na uklan ang mararanasan sa Luzon at Visayas habang ang Mindano ay inaasahan ang ilang pag-ulan.
Sinabi pa ng ahensya na katamtaman hanggang sa malakas na hangin ang iihip na magmumula sa timog-kanluran na mananaig sa buong bansa.