Ayon sa Manila International Airport (MIAA), ang Cebu Pacific-Tiger Airways (Cebgo) flight DG 6235 na byaheng Maynila papuntang Caticlan ay nakaparada sa NAIA Terminal 4 ng liparin ang naturang parte ng bubong ng paliparan na kasalkukuyang sumasailalim sa pagkukumpuni.
Ang nasabing flight sana ng naturang eroplano ay alas-nuwebe ng umaga ay nakansela at ang aabot na 150 na pasahero nito ay na-rebook sa ibang flights.
Nakasela din ang return flight nito na , DG 6326 na byaheng Caticlan pabalik ng Maynila.
Dagdag pa ng MIAA na nangyari ang insidente ng ibinababa na ang nasabing metal sheets.
Sinabi ng MIAA, maliban sa maliit na gasgas ay wala namang seryosong pinsala ang naturang eroplano.