Marami ang gustong dumalo sa huling SONA ng pangulo

President Benigno Simeon Aquino III delivers his 2nd State of the Nation Address (SONA) during the joint Senate and House session of Congress at the Plenary Hall, House of Representatives Complex, Constitution Hills, Quezon City Monday July 25, 2011. In the photo are Senate President Juan Ponce Enrile and House Speaker Feliciano Belmonte, Jr. (Photo by: Robert Vinas/ Malacanang Photo Bureau).
2011 SONA of PNoy / Malacanang Photo Bureau

Marami ang gustong magpa-imbita sa huling State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Noynoy Aquino.

Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte Jr., hindi nila inakala na maraming pulitiko at personalidad ang gustong makadalo sa SONA ni PNoy sa session hall ng Batasan Pambansa sa July 27.

Gayunman, ang problema aniya ay wala ng espasyo sa loob ng session hall kaya hindi kakayanin ang labis-labis na VIPs o bisita.

Nilinaw naman ni Belmonte na walang espesyal sa paghahanda ng mababang kapulungan para sa huling SONA ng pangulo.

Gaya aniya noong mga nakalipas na ulat sa bayan, inaayos lamang ang ilang bahagi ng Batasan Complex.

Pagdating naman sa seguridad, sinabi ni Belmonte na mas mahigpit ang bilin ngayon ng Malakanyang sa Task Force SONA, sa loob at labas ng Batasan Complex.

Bagama’t walang rason para ika-alarma lalo’t deka-dekada nang nangyayari ang SONA, may ilang security measures ang inilatag upang masiguro na mapayapa ang okasyon./ Isa Avendaño-Umali

Read more...