80 pamilya, inilikas sa San Mateo, Rizal

Mga nagsilkas sa San Mateo, Rizal dahil sa pagbaha - August 13, 2016 Aabot na sa walumpong pamilya na ang inilikas sa Brgy. Banaba North Libis San Mateo, Rizal

Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig sa Cogeo, Antipolo River at Marikina River na dumadaloy sa San Mateo.

Nanatili ang mga evacuee sa Dona Pepeng Covered Court.

Ayon kay Brgy Chairman Sherwin Cuevillas, bukod sa walumpong pamilya, 70 pamilya pa mula sa Brgy. Banaba South Libis, San Mateo ang inilikas din.

Maging ang mga alagang hayop katulad ng manok aso at baboy ang kasamang inilikas.

Read more...