Mga nakatira malapit sa Tullahan River, lumikas na

la mesa damPinayuhan ng Quezon City Government ang mga residente malapit sa Tullahan River na lumikas na dahil malapit nang umapaw ang La Mesa Dam.

Sa isang advisory ay sinabi ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na ang mga barangay malapit sa Tullahan River, mula Fairview hanggang sa boundary ng Bagbag at Baesa, ay inihanda na sa evacuation mula pa kahapon.

Payo ito ni Bautista matapos ilagay sa red alert ang La Mesa Dam.

Mahigit limampung sentimetro na lang bago umapaw ang naturang dam dahil sa patuloy na pag-uulan.

Dahil dito ay naka red alert na rin ang Quezon City Government partikular ang barangay disaster risk reduction and management teams.

Read more...