La Mesa Dam malapit ng umapaw, Marikina river umabot na sa 15 meters ang taas

maring-marikina-riverUmabot na sa 15.4 meters ang antay ng tubig sa Marikina river kaya inalerto na ang mga nakatira sa mga mababang Baranggay sa nasabing lungsod.

Inirekomenda na rin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang evacuation ng mga nakatira malapit sa Tullahan river dahil sa inaasang pag-apaw ng La Mesa Dam.

Sa pinakahuling ulat na natanggap ng NDRRMC ay umabot na sa 79.62 meters ang antas ng tubig sa La Mesa Dam kaya itinaas na sa Red Alert ang status sa lugar.

Kasabay ito ang pagtataas ng Pagasa ng Orange Warning sa ibabaw ng Metro Manila, Bulacan, Pampanga at Bulacan.

Ipinag-utos na rin ng pamunuan ng Metro Manila Development Authority ang pagpapadala ng mag dagdag na water craft sa mga binabahang lugar sa ilang panig ng Metro Manila.

Read more...