Kasalukuyang nasa Kuala Lumpur sa Malaysia ngayon ang mga opisyal ng Government Peace Panel at Moro Islamic Liberation Front (MILF) para muling buhayin ang nag-udlot na peace talk.
Sinabi ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza na gustong isalba ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naunang peace initiative na isinulong ng nakalipas na administraston.
Kasama ni Dureza sa pakikipag-usap sa mga MILF officials sina Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay, House Speaker Bebot Alvarez, National Security Adviser Hermogenes Esperon at House Majority Leader Rudy Fariñas.
Ang MILF naman ay kakatawanin nina Chairman Al Haj Murad at Chief Peace Negotiator Mohagher Iqbal.
Susunod na kakausapin ng grupo si Moro National Liberation Front founding chairman Nur Misuari base na rin sa direktiba ng pangulo.