Pader sa Sta Cruz Maynila gumuho, ilang residente na-trap

Oro
Inquirer file photo

(Breaking) Nagsasagawa na ng clearing operations ang Manila Rescue Team  sa gumuhong pader sa bahagi ng Oroquieta street sa  Sta. Cruz Manila.

Kabilang sa mga na-trap at kasalukuyang nasa ospital ay ang magkamag-anak na sina Marie Hope Berenia at Arceline Berenia.

Sugatan din at matagal bago nahugot sa guho ang kanilang kapit-bahay na si Rommel Dio at isang hindi pa nakikilalang lalaki.

Nangyari ang insidente kaninang pasado alas-otso ng umaga habang bumubuhos ang malakas na pag-ulan.

Sa inisyal na imbestigasyon, maaaring lumambot ang lupa na kinatitirikan ng pader dahil sa walang tigil na pag-ulan na naging dahilan ng pag-guho.

Nasa likod lang ng Manila City Jail ang gumuhong pader.

Read more...