Tatlong insidente ng sunog, magkakasunod na naganap sa Cebu City

CDN Photo / Junjie Mendoza
CDN Photo / Junjie Mendoza

Talong magkakasunod na sunog ang naganap sa Cebu City araw ng Biyernes.

Unang nagkaroon ng sunog sa Quijano Compound, Vicente Rama sa Barangay Calamba bandang alas-diyes ng umaga.

Ayon kay SFO2 Alberto Jagdon, Jr. ng Labangon Fire Station, isang Miraflor Cantay ang nagsunog ng isang silk cotton malapit sa kanyang bahay.

Agad namang nagtulong-tulong ang mga kapitbahay ni Cantay na maapula ang apoy at sinabi ni Jagdon na bandang 10:06 ng umaga ay totally fire out na ang apoy.

Nangyari naman ang ikalawang sunog sa Sitio Cabancalan sa Barangay Bulacao.

Ayon kay FO2 Dionisio Regasa, fire investigator mula sa Cebu City Fire Station, nakatanggap ng alarma pasadong 1:15 ng hapon at ito ay agad nakontrol ng 1:25 ng hapon.

Sinasabing nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay na pagmamay-ari ni Lolita Calma.

Dagdag pa ni Regasa, ang sanhi ng naganap na sunog ay dahil sa electrical circuit at aabot sa 20, 000 pesos ang halaga ng pinsala.

Nagkasunog din sa isang residential area sa Bamboo Village sa Barangay Basak-Pardo.

Sinabi ni Regasa na natanggap ang alarma sa sunog ng 2:35 ng hapon.

Nagsimula umano ang sunog sa bahay ni Fe Erida na sinasabing dahil sa electrical overloading sa unang palapag ng kanayang two-storey na bahay na nagsisilbing internet café na may sampung unit ng computers.

Aabot sa P50,000 pesos ang halaga ng pinsala kung saan apat pang bahay ang bahagy ang nasunog.

Nakontrol ang nasabing sunog alas 2:45 ng hapon at idineklarang fireout ng alas 3:52 ng hapon.

 

 

Read more...