Kapatid ni Caloocan City Vice Mayor Asistio, dawit sa illegal na droga

Inquirer Photo / MJ Cayabyab
Inquirer Photo / MJ Cayabyab

Hindi kukunsintihin ni Caloocan City Vice Mayor Macario “Maca” Asistio III ang pagkakasama ng kanyang sariling kapatid sa illegal na droga na si Luis “Peting” Asistio III.

Sumuko noong nakaraang buwan ang kanyang kapatid at inamin nito ang kanyang pagkakasangkot sa illegal na droga.

Hindi naman itinanggi ni Asistio ang pagkakadawit ng kanyang kapatid sa ipinagbabawal na gamot.

Ayon kay Asistio, alam niyang pusher ang kanyang kapatid kaya kaniya itong iniharap noong mga nakaraang araw dahil aniya hindi kinukunsinti ang mga ganitong aktibidad.

Dagdag pa niya, haharapin ng kanyang kapatid ang mga resulta ng kanyang mga ginawa at isasailalim ito sa rehabilitation.

Sinabi pa ni Asistio na kung may kailangang panagutan batas ay dapat itong harapin.

 

Read more...