Nestor Punzalan, nagsampa online libel complaint laban sa Top Gear Philippines

Road RageNagsampa na ng reklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) si Nestor Punzalan, ang lalaking biktima ng mistaken identity sa social media hinggil sa insidente ng pagpatay sa biker na si Mark Vincent Garalde.

Kasong online libel ang isnampa ni Punzalan laban sa editorial board ng Top Gear Philippines sa Cyber Crime Division ng NBI.

Nais din ni Punzalan na magbitiw sa pwesto si Top Gear Ph editor-in-chief Vernon Sarne matapos ang maling pagpopost nito sa Facebook page ng Top Gear ng mga impormasyon tungkol kay Punzalan at idinawit ito sa Quiapo road rage incident.

Magugunitang humingi Sarne ng paumanhin hinggil sa insidente.

Ayon kay Sarne, siya ang responsable sa pag-post ng larawan at impormasyon.

Kumalat ang larawan ni Punzalan sa social media matapos mapagkamalan na siya ang suspek sa pagpatay kay Garalde, bago tinukoy ng mga otoridad na si Von Martin Tanto ang siyang nakapatay sa biktima.

 

Read more...