Sorry ni Duterte, welcome kay Sereno

Sereno-DuterteWelcome kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno ang sorry ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pahayag ng presidente na Martial Law.

Matapos kuwestyunin ang pagkasama sa Narco list ng pitong Hukom ay binuweltahan ni Duterte si Sereno at sinabihan na kung makikialam ito ay gusto ba nito na magdeklara siya ng Martial Law.

Hindi na ito pinatulan ng punong mahistrado pero sa huling pahayag ng pangulo ay humingi ito ng paumanhin kay Sereno.

Ayon kay Supreme Court Public Information Office Chief Theodore Te, ikinatuwa at binigyang halaga ni CJ Sereno ang paghingi ng paumanhin ng Presidente.

“The Chief Justice appreciates the President’s latest remarks. As previously announced, she will no longer say anything on this matter,” pahayag ni Te.

Una nang sinabi ni Te na ayaw ng pahabain ng Chief Justice ang iringan sa Pangulo kaya mananahimik na ito sa isyu ng Martial Law.

 

 

 

Read more...