Eroplano nakaranas ng matinding turbulence; 24 isinugod sa ospital

JetBlue PlaneAgad dinala sa ospital ang 24 na katao matapos makalapag ang sinasakyan nilang JetBlue plane sa South Dakota.

Kabilang sa mga dinala sa ospital para masuri ay ang 22 na pasahero ng eroplano at dalawang crew.

Ayon kay JetBlue spokesperson Katherine McMillan, nakaranas ng matinding turbulence ang eroplano habang nasa ere.

Galing Boston ang eroplano at patungo ng Sacramento, at kinailangan itong mag-divert sa Rapid City, South Dakota para agad masuri ang mga pasahero at crew.

Hindi naman idinetalye ng airline company ang lagay ng mga dinala sa pagamutan.

 

 

Read more...