Insidente ng krimen, bumagsak sa unang bahagi ng taon

 

Bumaba ang mga insidente ng krimen sa unang bahagi ng taong 2016.

Ayon kay Sr. Supt. Fausto Manzanilla, executive officer ng PNP Directorate for Investigation and Detective Management, bumaba ng 14.68 percent o 50,134 mula sa 341,543 na krimen kung ikumpara sa krimen na naitala nuong unang bahagi ng nakalipas na taon 2015.

Bumaba din umano ng 5.44 percent ang crime volume batay sa average monthly index crime rate.

Maliban dito, tumaas naman ng 3.7 percent ang crime solution efficiency resulta umano sa mas pinahusay na mga programa ng PNP para mapigilan at maresolba ang mga nagaganap na krimen.

Read more...