Traffic aide, patay sa pananambang sa Ilocos

 

Patay ang isang traffic aide sa Sinait, Ilocos Sur matapos siyang tambangan ng hindi pa nakikilalang suspek.

Kinilala ang biktima na si Ewin Abajero Jr., na nagtamo ng maraming tama ng bala sa ulo at iba pang bahagi ng katawan.

Nakatayo lang umano si Abajero sa isang waiting shed sa tapat ng isang paaralan nang bigla siyang lapitan ng isang lalaking nakasakay sa motorsiklo at saka siya pinagbabaril nito.

Narekober ng mga otoridad ang walong basyo ng bala ng kalibre .45 na  baril sa pinangyarihan ng krimen.

Bagaman isa si Abajero sa mga sumuko sa mga pulis dahil sa umano’y pagkakasangkot niya sa kalakalan ng iligal na droga, hindi pa rin tukoy kung ano ang motibo sa pagpatay sa kaniya.

Sa ngayon ay patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.

Read more...