Sen. Pacquiao, may dalawa pang laban sa susunod na taon

 

Inquirer file photo

Bukod sa nalalapit niyang pagbabalik sa ring sa Nobyembre, may dalawa pang nakatakdang laban si Sen. Manny Pacquiao sa susunod na taon.

Ito ay ayon mismo sa kaniyang promoter na si Top Rank president and CEO Bob Arum.

Ayon kay Arum, nasa plano nilang magkaroon pa ng dalawang laban si Pacquiao sa 2017 at isa sa mga pinagpipiliang makakalaban niya ay ang undefeated light-welterweight champion na si Terence Crawford.

Dagdag pa ni Arum, susubukan nilang muling makuha si Floyd Mayweather Jr. sa 2017, kahit nagretiro na rin ito sa boxing.

Matatandaang kinumpirma na ni Pacquiao ang laban niya sa Mexican-American na si Jessie Vargas sa November 5.

Tiniyak naman ni Pacquiao na hindi niya hahayaang makaabala ito sa kaniyang trabaho bilang senador.

 

Read more...