Stocks ng PhilWeb, umangat pa sa kabila ng non-renewal ng prangkisa

 

Inquirer file photo

Umarangkada pa rin ang shares ng PhilWeb Corp. matapos alisin ng Philippine Stock Exchange ang trading suspension na ipinataw sa kumpanya.

Matatandaang hindi na pinayagan ng PAGCOR ang nasabing kumpanya na mag-renew at mag-extend ng lisensya para sa kanilang mga e-games outlet, at binitiwan na rin ng negosyanteng si Roberto Ongpin ang kaniyang controlling shares dito.

PhilWeb mismo ang humiling na suspendehin muna ang trading ng kanilang shares upang mabigyan ang publiko ng sapat na panahon para maintindihan ang mga plano ngayon sa kumpanya.

Pero nang mai-alis na ang suspension, nag-sara sa halos 50 percent sa P6.37 ang shares ng PhilWeb.

Ayon sa mga eksperto, pinapakita lang umano nito na sa kabila ng mga kinakaharap na suliranin ng kumpanya, hindi pa rin nawalan ng interes ang mga investors dito at nakitaan pa rin nila ito ng intrinsic value.

Read more...