Kidnap victim sa Sulu nakatakas, isang bata patay

SuluNakatakas ang isang biktima ng kidnapping sa Sulu kahapon.

Ang biktima ay si Ledegie Tomarong, 18 taong gulang mula sa Pitogo, Zamboanga del Sur.

Ayon kay Col. Allan Arrojado, Commanding Officer ng Joint Task Group sa Sulu, kasama ni Tomarong ang dalawang bata na dinakip at ginamit na human shield ng mga miyembro ng Abu Sayyaf Group noong Marso 31.

Ang isa sa mga batang dinukot na kinilalang si Zynielle Garban, 2 taong gulang ay natagpuang patay sa dalampasigan ng Pitogo, habang hawak pa rin ng grupo ng Abu Sayyaf ang 3-taong gulang na nagngangalang Ace Jay.

Ani Arrojado, nakatakas si Tomarong nang biglang dumating ang tropa ng 35th Infantry Battalion sa Barangay Kagay at Sawaki at paputukin ang lugar. Nataranta umano ang mga bandido kaya nakapuslit si Tomarong.

Agad na dinala sa ospital si Tomarong para matignan ang kaniyang kalusugan./ Stanley Gajete

Read more...