3 ang patay sa pamamaril sa Batangas

crime-scene-620x413Tatlong bangkay ang nadiskubre ng mga otoridad sa loob ng isang bahay sa Barangay Biga, Calatagan, Batangas.

Nakilala ang mga biktima na sina Richard Dinglasan, 35-anyos; Bianca Capacia, 26-anyos at Mauricio Pinili, 50-anyos na siyang may-ari ng bahay.

Ayon kay PO2 Dennis Mira, imbestigador ng Calatagan Municipal Police Office, isang tawag ang kanilang natanggap at ipinabot na may nakitang mga bangkay ng tao sa lugar.

Nang puntahan ng pulisya, nadiskubre ang bangkay ng mga ito at may mga tama ng bala ng baril sa katawan.

Nabatid na si Dinglasan ay kabilang sa drug watchlist ng pulisya sa bayan ng Calatagan.

Nagsasagawa pa naman ng imbestigasyon ang pulisya s insidente.

 

 

 

Read more...