ISIS supporter na nagpaplanong umatake sa Canada, napatay ng mga otoridad

111615-ISIS-flagBago pa maisakatuparan ang kaniyang balak na pag-atake napatay na ng mga otoridad sa Canada ang isang lalaki na supporter umano ng Islamic State.

Ang suspek na si Aaron Driver, 24 anyos ay napatay sa isinagawang pagsalakay ng Canadian police sa tinitirahan niyang bahay sa Ontario.

Matagal na umanong minamanmanan si Driver dahil batay sa nakuhang impormasyong ng Canadian intelligence, ang suspek ay sympathizer ng ISIS at nagpa-plano ng major attacksa Canada.

Sa impormasyon, target umano ni Driver na magpasabog ng IED sa mataong lugar sa Toronto.

Ayon sa Canadian police, wala naman silang impormasyon na may iba pang kasabwat sa pagpaplano ang napatay na suspek.

 

 

Read more...