2 eroplano ligtas na nakalapag sa Brussels airport matapos makatanggap ng bomb threat

Zaventem Brussels Airport
Zaventem Brussels Airport

Ligtas na nakalapag sa Zaventem airport sa Brussels, Belgium ang dalawang eroplano matapos kapwa makatanggap ng bomb threat.

Ang dalawang eroplano na ang isa ay galing sa Oslo, Norway ay maayos na nakalapag sa paliparan at ligtas din ang mga pasahero.

Ayon sa isa sa mga pasahero ng isa sa eroplano, 20-minuto bago ang nakatakdang pag-landing ay nakatanggap ng bomb threat ang kanilang piloto.

Inabisuhan umano ang mga pasahero hinggil sa bomb threat at kinailangang i-clear ang eroplano bago sila payagang makababa dito matapos mag-landing.

Ayon kay State prosecutor Eric Van Der Sypt, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa bomb threat gayunman, tumanggi na itong ilahad ang detalye.

Nagsasagawa na aniya ng imbestigasyon ang kanilang bomb squad tungkol dito.

 

 

Read more...