Lalaki, arestado matapos umakyat sa Trump Tower sa Manhattan gamit lang ang suction cups

AP PHOTO
AP PHOTO

Naaresto ang isang lalaki na umakyat sa Trump Tower sa Manhattan gamit lamang ang limang suction cups.

Agad rumesponde ang mga otoridad kasama ang emergency team nang makita ang lalaking umaakyat sa gusali na campaign headquarters ni Donald Trump.

Dahil saradong-sarado ng glass window ang gusali, nagtanggal ng bintana ang mga otoridad para makalikha ng opening kung saan nila inabangan ang umaakyat na lalaki.

Naglagay din ng inflatable airbag sa ibaba ng gusali para masalo ang lalaki sakaling siya ay mahulog.

Nasa bahagi na ng 20th floor ang lalaki nang ito ay mahawakan ng mga emergency team at nahila papasok sa gusali,

Ayon sa mga otoridad kinilala ang lalaki sa pangalang “Steve” na mula sa Virginia. Umakyat umano ito sa tower dahil gusto niyang makausap si Trump.

Wala naman sa gusali si Truam nang maganap ang insidente.

Dinala na sa ospital si Steve para sumailalim sa psychological evaluation.

 

 

Read more...