Mga bayan sa Batangas, nagsuspinde ng klase ngayong araw

Balik-eskwela na ang mga estudyante sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan sa kabila ng maagang pag-ulan na naranasan.

Hindi na nagsuspinde ng klase ang mga lokal na pamahalaan at nagpa-abiso na may pasok na ngayong araw.

Gayunman sa Batangas, ilang bayan ang nagsuspinde pa rin ng klase dahil sa sama ng panahon.

Suspendido ang klase all levels sa mga bayan ng Agoncillo at San Luis, Batangas; pre-school hanggang senior high school naman ang suspensyon sa Talisay, Batangas; at pre-school hanggang elementary ang suspensyon sa Lipa City at sa mga bayan ng San Jose, Rosario, at Lemery.

Sa abiso ng PAGASA alas 6:00 ng umaga, nakataas pa rinang yellow rainfall warning sa Batangas na nangangahulugang nakararanas pa rin ito ng malakas na buhos ng ulan.

 

Read more...