2 hinihinalang holdaper patay matapos maka-engkwentro ng mga pulis-Maynila

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Patay ang dalawang hinihinalang holdaper matapos matyempuhan ng mga nagpapatrulyang pulis sa bahagi ng Altura bridge sa Ramon Magsaysay Boulevard sa Maynila.

Nakita ng mga pulis na biglang tumalon sa center island ang dalawang lalaki dahilan para sitahin ang mga ito.

Pero sa halip na huminto nagpaputok ang isa sa mga suspek dahilan para gumanti ng putok ang mga otoridad.

Dahil sa insidente, isinara ang bahagi ng Altura patungong Pureza sa kasagsagan ng imbestigasyon alas 2:00 ng madaling araw ng Huwebes.

Ayon kay Gulod PCP Commander Police Senior Inspector Elias Dematera bumunot daw ng baril ang isa sa mga suspek nang makita ang mga pulis kaya napilitan ang mga pulis na gumanti ng putok.

Hinala ni Dmatera, holdaper ang dalawa dahil nakuha ang kalibre .38 na baril mula sa isang lalaki na nakasuot ng polo shirt at shorts at tatlong sachet ng hinihinalang shabu.

Isang balisong naman ang narekober mula sa isa pang lalaki na nakasuot ng orange na sando at boxer shorts.

 

 

Read more...