CJ Sereno, no comment na sa mga banat ni Pangulong Duterte

 

Inquirer file photo

Hindi na muling nagsalita pa si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno matapos ang mga matatalim na pananalita ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan.

Ayon kay Supreme Court spokesmam Atty. Theodore Te, marami nang mga nabitiwang salita ang magkabilang kampo kaya’t hindi na dapat itong dagdagan pa sa ngayon.

“Many things have been said, there is no need to add to what has been said,” mensahe ni CJ Sereno ayon kay Atty. Te.

Matatandaang nag-ugat ang isyu nang ibunyag ni Pangulong Duterte ang pangalan ng ilang mga hukom na sangkot umano sa iligal na droga.

Bilang tugon, lumiham si Sereno sa pangulo at nagpahayag ng pagkabahala sa pagbubunyag sa mga pangalan ng mga hukom at kinwestyon ang proseso kung paano natukoy ang koneksyon ng mga huwes sa illegal drugs.

Sinagot naman ito ni Pangulong Duterte sa pagsasabing hindi na dapat nakikialam ang Korte Suprema sa kanyang trabaho at sa kanyang anti-drugs campaign.

Binantaan pa ng pangulo ang Korte Suprema sa pagsasabing maari siyang magdeklara ng martial law kung patuloy na kokontrahin ang kanyang hangaring malinis sa droga ang bansa.

Read more...