Dating pulis, patay sa police operation sa QC

 

Patay ang isang dating pulis sa ikinasang police operation sa Quezon City pasado alas-9:00 kagabi sa Makaya Compound, Bgy., Pasong Tamo QC.

Lumalabas sa imbestigasyon, magsisilbi sana ng warrant of arrest ang Quezon City Police District Special Operation Unit sa pangunguna ni Insp. Danilo Songalia na ipinalabas ni QCRTC Branch 80 ni Judge Charito Gonzales laban kay dating PO1 Levi Devera na may kinalaman sa kasong robbery.

Lumalabas din na convicted na sa kasong robbery si Devera na may kinalaman sa indian national na naging biktima ng dating pulis.

Naisugod pa si PO1 Devera sa East Avenue Medical Center pero idineklara din patay.

Read more...