Gen. Dela Rosa, walang balak magdagdag ng seguridad sa kabila ng mga bagong banta sa buhay

 

Wala umanong nagiging pagbabago sa seguridad para kay CPNP Ronald Bato dela Rosa sa harap ng tumitinding banta sa buhay ng opisyal.

Ayon kay PNP Spokesperson Sr Supt Dionardo Carlos, sa ngayon ay parehong mga security aide pa rin ang kasa-kasama ni Bato sa kanyang mga lakad.

Giit ni Carlos, buo ang tiwala nila sa mga security aide ni CPNP na kaya nilang protektahan ang buhay ng hepe ng pambansang pulisya.

Mataas daw naman umano ang kwalipikasyon ng mga ito kung saan ang ilan ay mga dating SAF trooper na dumaan sa matinding training.

At bilang isang SAF trooper, sampung ordinaryong pulis daw ang katumbas ng bawat isa sa kanila.

 

 

Read more...