Mga senador suportado ang emergency powers vs traffic

 

Inquirer file photo

Nagpakita ng pagsuporta ang ilang mga senador sa hiling na emergency powers ni Pangulong Rodrigo Duterte upang malutas na ang problema sa matinding pagbibigat ng daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Kahapon, humarap sa mga miyembro ng Senado ang mga opisyal at kinatawan ng pamahalaan sa pangunguna ni Department of Transportation Secretary Arthur Tugade upang ipaliwanag kung bakit kailangan ng emergency powers upang masolusyonan ang trapik.

Ayon kay Sen. JV Ejercito, vice chair ng committee on public services at may panukala na mabigyan ng emergency powers ang pangulo sa loob ng dalawang taon, hindi na lamang rush hour kung hindi buong araw na ang matinding trapik na nararanasan sa Metro Manila.

Sinabi naman ni Senate President Pro Tempore Franklin Drilon, hindi na kwestyon ang pagbibigay ng emergency powers sa pangulo kung hindi kung paano na lamang ito ipapatupad ng presidente.

Ayon kay Sen. Joel Villanueva, payag naman aniya ang maraming senador na mabigyan ng emergency powers ang pangulo, ngunit kailangan lamang ng kaukulang safeguards bago ito maigawad.

Positibo rin ang reaksyon nina Sen. Sonny Angara at Richard Gordon sa panukala upang magawan na ng agarang paraan ang matinding problema sa trapik sa kasalukuyan.

Read more...