SC pinayuhan na gumawa ng sariling imbestigasyon sa “narco judges”

Sereno-Duterte
Inquirer file photo

Pinaboran ni San Beda Graduate School of Law Dean Father Ranhillo Aquino ang hindi na pagsagot ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Father Aquino, pinakamagandang tugon ng punong mahistrado ang hindi na pagpatol sa sinabi ng pangulo.

Sinabi ni Aquino na walang may gusto na magkaroon ng constitutional crisis sa bansa dahil sa iringan sa pagitan nina Sereno at Duterte.

Maari rin ayon dito na dala lamang ng init ng ulo ng pangulo kaya nakapagbanta ito ng pagkakaroon ng martial law.

Samantala, sakali naman anyang hindi makapag sumite ang palasyo ng complaint-affidavits laban sa mga hukom na isinasangkot sa operasyon ng iligal ba droga ay maari pa rin namang gumulong ang imbestigasyon ng Supreme Court batay sa kung ano ang mga sinabi ng Pangulong Duterte laban sa ilang miyembro ng hudikatura.

Read more...