Manila Mayor Erap Estrada, pinaiimbestigahan ang extortion gang sa Divisoria Market

Divisoria market
Inquirer file photo

Ipinag-utos ni Manila Mayor Joseph Estrada ang imbestigasyon sa ulat na ginagamit ang kanyang pangalan ng isang grupo para maka-pangolekta ng pera bilang “protection fees” sa mga tindero sa Divisoria Market.

Ayon kay Estrada, nagsumbong sa kanya ang ilang vegetable truckers at dealers na sinisingil sila ng nasabing grupo ng 2,800 pesos kada linggo para lamang makapag-bagsak ng kanilang kargamento sa isang bahagi ng Recto Avenue.

Sinabi rin aniya ng mga dealer na nagbabayad sila ng 80 pesos kada araw para sa bogus na “business permit” at 300 pesos naman sa “intelligence fee”.

Nabatid na 1980s pa nang magsimula ang naturang extortion scheme o pangongotong sa Divisoria Market.

Dahil dito, inutusan ni Estrada ang Manila Police District at Task Force Manila na kilalanin ang mga miyembro ng umano’y extortion gang sa lungsod.

Read more...