Duterte, pinadudurog sa AFP ang Abu Sayyaf Group

Abu SayyafInatasan na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Armed Forces of the Philippines na durugin na ang bandidong Abu Sayyaf Group.

Sa talumpati ng pangulo sa 1st Infantry Division sa Camp Sang-an sa Labangan, Zamboanga del Sur, sinabi nito sa mga sundalo na ‘that’s an order’.

“That’s an order. Destroy ASG. No talks, destroy Abu Sayyaf” pahayag ni Duterte.

Iginiit pa ng pangulo na sarado na ang kanyang pintuan na makipag-negosasyon pa o makipag-usap pa sa ASG.

Kasabay nito, tiniyak ng pangulo sa AFP na bago ang buwan ng Disyembre ng taong ito, inaasahang darating na ang mga bagong armas.

Una rito, sinabi ng pangulo na wala siyang balak na alukin ng peace talks ang ASG dahil wala namang ideolohiya na isinusulong ang bandido taliwas sa Communist Party of the Philippines at iba pang makakaliwang grupo.

Read more...