Bilang ng mga stranded na pasahero, nadagdagan pa

FILE PHOTO
FILE PHOTO

Nadagdagan pa ang bilang ng mga pasaherong stranded sa iba’t ibang pantalan ng bansa kasunod ng nararanasang masamang panahon dulot ng habagat.

Ayon kay Coast Guard spokesperson Commander Armand Balilo, 260 na ang bilang ng mga pasahero na stranded sa Bicol at Western Visayas.

Tatlo naman ang vessels, tatlong rolling cargoes at siyam na motor bancas ang hindi muna pinayagang pumalaot dahil sa malalaking alon sa karagatan.

Kaugnay nito, nanawagan naman ang coast guard sa publiko na huwag ng magmatigas ang ulo at sumunod sa pagbabawal na pumalaot upang hindi mapahamak.

Tiniyak naman ng Philippine Coast Guard na mananatiling nakaalerto ang kanilang hanay, upang matiyak ang kaligtasan ng mga mangingisda at pasahero sa karagatan.

 

 

Read more...