Dating sundalo, patay matapos pagbabarilin sa IBP Road sa QC

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas

Dalawang tama ng bala sa leeg at katawan ang tumapos sa buhay ng isang lalaki na isa umanong dating sundalo matapos tambangan ng riding in tandem sa Kalayaan St., IBP road, Barangay Batasan, Quezon City.

Ayon sa Brgy. Tanod na si Norberto Mabugay, nakaupo lamang umano sa gilid ng isang bahay na madalas niyang pagtambayan ang biktima nang tambangan alas 6:15 ng umaga ng Miyerkules.

Kinilala ang biktima na si Luis Gomez na isa umanong dating sundalo, at kamakailan ay sumuko ito sa Oplan Tukhang ng Quezon City police.

Ayon naman sa ilang residente sa lugar, wala naman silang napupuna na may kaalitan ang biktima.

Tuwing umaga aniya ay nakatambay lamang si Gomez sa lugar kung saan siya binaril dahil nakikinig ito ng Christian songs.

Si Gomez ang pang-sampung biktima ng serye ng mga pagpatay sa Metro Manila simula Martes ng gabi hanggang Miyerkules ng umaga.

Sa nakalipas na magdamag ay mayroong napatay na apat sa Caooocan, isa sa Navotas, isa sa Malabon at tatlo sa Maynila.

 

Read more...