Ayon sa Texas Department of State Health Services, na-impeksyon ng Zika virus ang sanggol habang ito ay nasa sinapupunan pa ng kaniyang ina nang bumiyahe ito sa Latin America.
Pumanaw ang sanggol sa Harris County ilang sandali lang matapos isilang nang may depektong tinatawag na microcephaly o pagkakaroon ng lubhang maliit na bungo.
Ito ang kauna-unahang Zika-related na pagkamatay sa Texas.
Nilinaw naman ng kagawaran na travel-related ang kaso ng mag-ina at walang banta ng Zika sa Texas.
MOST READ
LATEST STORIES