Ito ay matapos ibulgar ng whistleblower na si Rhodora Alvarez ang pag-apruba ng DND Bids and Awards Committee Secretariat sa Marine Forces Imagery and Targetting Support System Acquisition project na ang drone acquisition nagkakahalaga ng 684.23 M pesos.
Inakusahan ni Alvarez ang mga opisyal ng BAC Secretariat na minadali ang pag-apruba sa kontrata dahil nai-post ang proyekto sa PHILGEPS website noong July 29 lamang.
Isinailalim umano sa open bidding ang proyekto at agad na inisyuhan ng Notice of Award(NOA) ang nanalong kumpanya nitong August 1 ngayong taon.
Ayon kay Sec. Lorenzana, lahat ng mga naabutan nyang mga kontrata sa pagbili ng supplies at iba pang kagamitan ng AFP ay isasailalim sa masusing iimbestigahan para matiyak na wala itong bahid ng katiwalian.