Onyok Velasco tutulungan ni Pacquiao na makuha ang naunsyaming P2.5-M reward

 

Nangako si Sen. Manny Pacquiao na tutulungan ang retiradong kapwa boksingerong si Mansueto “Onyok” Velasco kaugnay sa P2.5 milyon cash reward nito na hindi nakuha.

Magugunita na nang nanalo ng silver medal sa boxing sa 1996 Atlanta Olympics dapat ay tatanggap siya ng P2.5 milyong cash reward, ngunit makalipas ang limang olympics ay wala pa ni singko sentimos na naibigay kay Velasco.

Ayon kay Pacquiao, na siyang chairman ng Senate committee on sports, isa ito sa mga aalamin niya ang dahilan, dahil alam niya ang sitwasyon ni velasco bilang kapwa boksingero.

Kasabay nito, nangako si Pacquiao na susuriin ang lahat ng mga isyu sa daigdig ng palakasan sa bansa, maging ang mga sinasabing katiwalian.

Samantala, nabanggit ni pacquiao na maaring dumukot siya sa kanyang bulsa para dagdagan ang matatanggap na cash reward ni Hidilyn Diaz, ang unang filipina olympian na nakasungkit ng silver medal.

Read more...