Ayon kay Marcos, chairman ng senate committee on local government, maaring mauna lang ng dalawang linggo ang kamara sa pag apruba sa BBL at tiyak nang susunod ang senado.
Iginiit ni Marcos na sa pagbubukas ng sesyon ng senado sa July 27, magiging prayoridad na nila ang pagpasa sa BBL.
Naniniwala si Marcos na magiging plantsado na ang BBL bago pa man ang filing ng ‘Certificate of Candidacy’ sa buwan ng Oktubre.
Sa ngayon aniya, tinatapos na niya ang substitute bill na kanyang isusumite sa plenaryo kapag nagbalik na ang sesyon sa susunod na linggo./Chona Yu
MOST READ
LATEST STORIES