Nagsagawa ng kilos protesta sa Bureau of Customs (BOC) ang grupo ng Eco-Waste Coalition para kondenahin ang panibagong shipment ng basura na dumating sa bansa galing Canada.
Bitbit ng grupong Ecowaste coalition ang malaking banner, at isinigaw sa Customs na ang Pilipinas ay hindi tambakan ng basura.Ayon kay Aileen Lucero, Ecowaste Coalition Coordinator, maliban sa panibagong 48 container vans na nadiskubre posibleng marami pang container vans na galing Canada ang may laman ding basura na hindi pa nabubusisi.
Nauna nang nadiskubre ang 50 container vans na naipasok sa bansa na hanggang sa ngayon ay hindi pa nababawi ng China. Dahil sa panibagong mga shipments, umabot na sa 98 ang container vans mula sa Canada na sinasabing puno ng basura sa Manila International Container Port (MICP).
Ang 48 na mga shipment ay nakapangalan sa Live Green Enterprise at ipinadala sa Pilipinas mula December 2013 hanggang January 2014 batay sa dokumento mula sa BOC. Habang ang 50 contaiver vans pa na galing sa isang Ontario-based company ay dumating sa Pilipinas simula June 2013.
Iginigiit ng Ecowaste Coalition sa pamahalaang Aquino na magsagawa ng “open” at “transparent” investigation kaugnay sa usapin. / Ruel Perez