Japan nakaalerto sa posibleng missile launch ng NoKor

 

(AP File Photo/Vincent Yu)
(AP File Photo/Vincent Yu)

Itinaas ng Japan ang alerto sa kanilang mga militar kaugnay sa posibleng banta ng North Korea na maglunsad ng missile laban sa kanila.

Pinaghahanda na ang mga Japanese military para pabagsakin ang anumang patatamaing missile ng North Korea sa kanilang bansa, at tatagal ang state of alert na ito sa loob ng hindi bababa sa tatlong buwan.

Umiiral pa rin ang temporary orders ng Japan na inilabas mula nang magkaroon sila ng indikasyon ng nalalapit na missila launch ng North Korea na kinansela matapos mag-launch ng projectile.

Gayunman dahil mahirap ma-detect ang mga test firings, naka-standby lamang ang militar sa loob ng mas pinahaba pang panahon.

Ayon sa state broadcaster na NHK, isasailalim sa review ang order na ito pagkatapos ng tatlong buwan.

 

Read more...