Illegal recruiters, nasakote ng CIDG

 

Nalambat ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Anti-Transnational Crime Unit sa pamumuno ni police Chief Insp. Roque Merdegia Jr,. ang magpartner na pinaghihinalaang illegal recruiters sa isang operasyon, Lunes ng gabi.

Ayon kay Chief Insp. Roque Merdeguia, ala-6 nang mahuli nila sa isang mall sa Maynila sina sina Wilfredo Liwag at Jemalyn Barlam.

Agad pinosasan ang dalawa nang tanggapin nila ang marked money mula sa kanilang biktima.

Ani pa Merdeguia ay pinangakuan ng mga suspek ng trabaho sa Switzerland ang mga biktima at hiningan sila ng P30,000 hanggang P60,000 kapalit ng trabaho sa ilang bansa sa Europa.

Walang piyansa ang kahaharaping reklamo na large scale illegal recruitment ng dalawang suspek.

Read more...