Al Panlilio, pumalit kay MVP bilang pinuno ng SBP

 

Inquirer file photo

Dahil nagtapos na ang walong taong termino ni Manny V. Pangilinan sa Samahang Basketbol ng Pilipinas, nagtalaga na ang organisasyon ng bago nilang pinuno at iba pang mga opisyal.

Napiling pumalit kay Pangilinan si Al Panlilio nang siya ang manalo sa botohan na ginanap sa SBP National Congress.

Bukod kay Panlilio, nahalal rin bilang board members sina Sen. Sonny Angara bilang chairman, habang si Robbie Puno naman ang vice chairman.

Si Panlilio ay nanilbihan na rin bilang presidente ng MVP Sports Foundation at namuno na rin sa ilang mga kumpanya ni MVP.

Siya ngayon ay kasalukuyang Senior Vice President sa Meralco, at dati ring President and CEO ng PLDT.

Read more...