“Nagpapakita lang ito na nagpa-panic na si VP Binay kaya sinusubukan lang niyang takutin ang mga taong umuusig sa kanya. Gayunpaman, haharapin natin ang kasong ito sa korte,” ani Trillanes.
Nakahanda si Trillanes na sagutin sa korte ang kasong inihain ni Binay. Ayon kay Trillanes, hindi siya natatakot sa kaso at patuloy na ibubunyag ang mga katiwalian ni Binay.
Bukod kay Trillanes, kasamang kinasuhan ni Binay sina Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano, dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado, ombudsman Conchita Carpio Morales at iba pa.
Sina Trillanes, Cayetano at Mercado ang unang nagbunyag sa umano’y mga katiwalian na kinasasangkutan ni Binay noong siya pa ang mayor ng Makati City.
Kabilang sa mga anomalya na kinasasangkutan umano ni Binay ang Makati Carpark building, Hacienda Binay sa Batangas, University of Makati at iba pa./ Chona Yu