Tinanggap ni Pangulong Benigno Aquino III mula kay Department of Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario ang kauna-unahang E-passport sa bansa.
Ang bagong E-passport ay ipinagkaloob kay Pangulong Aquino na nasa “glass frame” ay ibinigay sa isang seremonya sa High Security Printing Plant ng Apo Production Unit Inc. sa Malvar, Batangas.
Ayon sa DFA, mas matibay ang disenyo at mas maraming security measures ang bagong pasaporte.
Mas mabilis din ang proseso ng pag-iisyu sa ilalim ng E-passport system dahil matatanggap na ang pasaporte sa loob lamang ng pitong araw kung express at 10 araw kung regular na processing.
Una rito, binigyan si Pangulong Aqiuno ng live demonstration ng E-passport process mula sa application hanggang sa personalization, verification at releasing.
Ang E-passport din ay isa sa mga pinaniniwalaang magiging ‘highlights’ ng State of the Nation Address ng Pangulong Aquino bilang isa sa legacy ng kanyang administrasyon./ Alvin Barcelona