Sa lahat ng nagtungo sa headquarters ngayong araw ng Philippine National Police (PNP), isa lamang ang umaming sangkot siya sa illegal drugs trade.
Si Franz Sabalones na number 2 top drug lord sa Central Visayas ay dumating sa Camp Crame kasama ang kapatid na si San Fernando, Cebu Mayor Fralz Sabalones.
Ayon kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, nagtungo si Franz sa Camp Crame para sumuko dahil aminado itong sangkot siya sa illegal drugs trade sa Central Visayas.
Katunayan sinabi ni Dela Rosa, number 2 top drug lord si Franz sa nasabing lugar.
Sinamahan naman si Mayor Fralz ang kaniyang kapatid para linisin ang kaniyang pangalan.
Nangako naman si Franz na magbabagong-buhay na siya at tatalikuran ang ilegal na gawain.
Nang ilabas kasi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang listahan ng mga lokal na opisyal na sangkot sa droga, ay inakalang si Mayor Fralz ang pinangalanang sangkot.
Agad namang nilinaw ni Mayor Fralz na hindi siya, kundi ang kapatid niyang si Franz ang sangkot sa droga.