Ayon kay Philippine Army spokesperson Col. Benjamin Hao, naganap ang pagbisita noong Biyernes kung saan nakahanap na ng gustong lugar na maaaring paglagakan ng dating pangulo.
Ngunit sa kabila nito, sinabi ni Hao na wala pa silang natatanggap na opisyal na direktiba mula sa pangulo kaugnay sa paglilibing sa dating mataas na pinuno ng bansa.
Nilinaw din ni Hao na bagaman hindi kabilang ang Philippine Army sa gagawing preparasyon ukol sa paglilibing, ay tutulong pa rin sila kapag inilabas na ang pinal na direktiba ng pangulo.
Nakipag-ugnayan ang mga kinatawan ng pamilya Marcos sa Philippine Army para sa kanilang pagpasok sa Libingan ng mga Bayani.
Inutusan naman ng Malacanañg ang Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) na pangasiwaan ang preparasyon para sa paglilibing sa dating pangulo.
Una nang napabalita na nagbigay na ng go signal si Pangulong Duterte para sa paglilipat sa nakatatandang Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa September 18.