WINDANG ang sambayanan nang ibandera ni Pangulong Duterte ang pangalan ng mga opisyal ng gobyerno, mayor, congressmen, general, pulis at mga huwes sa Luzon, Visayas at Mindanao na sangkot sa droga.
Siyempre, maraming magde-deny at sasabihin “witch hunting” ito o puro panay bintang lamang.
Ang kaso, ang listahan ay galing mismo sa pangulo na ang lawak ng “intelligence information” ay hindi mapasusubalian, bukod sa abogado siya at dating prosecutor na alam ang kanyang ginagawa.
Ang mga nakaraang administrasyon ay na-ging bakla dito, tumahimik hanggang matapos ang termino. Na-promote pa nga ang mga “narco-cops.”
Isa pang napansin ko, walang kulay-pulitika nang ilabas niya ang listahan, bagay naman na siyang dapat mangyari. Ang dating nito sa akin ay talagang may gera tayong nilalabanan kontra droga.
Lumilitaw tuloy na mismong mga pulis ang silang mga “drug distributors” o sindikato na nakikipagkumpetensiya pa sa Chinese Triad, Mexican Siniloa Cartela at West African group.
Ilang heneral, koronel, kapitan hanggang PO1, babae, lalaki, hepe, subordinate ang pina-ngalanan at halos ay nasa active duty.
Ang balita ko ang yayaman na pati mga PO1, PO2 dahil sa droga. Eksakto sa akin ang pagbubunyag ni Duterte na ibilad ang mga tunay nating mga kalaban pero ang masakit lamang ay sila’y taga-gobyerno rin.
Isipin niyo, pati mga binoto ng tao, sangkot din. Gumanda ang pa-ngalan sa mga lugar nila at nanalo sa eleksyon, sa tulong pala ng droga. Magtataka pa ba tayo kung bakit nagmistulang untouchable ang mga drug syndicates?
Napakalawak ng kanilang proteksyon: General, mayor, congressman, huwes at piskal, na sila pala ang puno’t dulong dahilan kung bakit dumarami ang biktima na lulong sa droga o adik.
Nasa 39 araw na sa pwesto si Duterte, at mahigit 400 na ang patay sa police operations; pagsuko ng 545,000 pusher/users at pagbisita sa 213,000 bahay na kinatok ng “Oplan Tukhang”. Ang masasabi ko lang ay talagang madugo at seryoso ang pinagdadaanan nating panahon.
Ibaba at itaas ng “illegal drug apparatus” ang walang humpay na binabayo ngayon ng Duterte administration. Humina ang “demand” dahil sumuko ang mga pusher/users, humina rin ang “supply” dahil walang tigil ang pag-raid sa mga big-time shabu lab at warehouses.
Tinutukan din ang mga nakakulong at convicted drug personalities sa Bilibid na siyang mga utak pa rin ng drug distribution sa bansa.
Humina rin ang proteksyon nila ngayon dahil ibinilad ngayon ni Pangulong Duterte ang pangalan ng mga protektor.
Kung pera-pera lang ang lakad ng Duterte administration, tuloy ang ligaya ng mga halimaw sa lipunan. Pero hindi sila tulad ng mga nakaraang administras-yon na lumawak nang lumawak ang pinsala sa ating kabataan kasabay na rin ng paglala ng krimen.
Ngayon na ang oras ng pagtutuos. Ang 95 pulis na ito, 57 mga pulitiko at walong judges, ay pangunang sampol pa lang sa digmaan ng bayan vs. droga.
Kasuhan, litisin ang sangkot na mga mayor, congressman, generals, judges, pulis at ikulong. Pero kung patuloy ang kanilang operasyon at lalaban? si PNP Chief Bato na ang bahala sa ‘cardboard.’