Metro Manila at mga kalapit na lalawigan, maagang inulan dahil sa habagat

Thunderstorm AdvisoryBumuhos ang malakas na ulan sa Metro Manila dahil sa thunderstorm.

Alas 4:00 pa lamang ng umaga nang unang mag-isyu ng thunderstorm advisory ang PAGASA sa mga lalawigan malapit sa Metro Manila.

Alas 6:30 naman ng umaga nang muling maglabas ng thunderstorm advisory ang PAGASA sa Metro Manila partikular sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela.

Apektado rin ng thunderstorm ang San Jose Del Monte sa Bulacan, at ang ilang bahagi ng Batangas.

Mahina hanggang katamtamang pag-ulan naman na kung minsan ay may malakas na pag-ulan ang nakaka-apekto sa iba pang bahagi ng Metro Manila, mga bayan ng San Antonio, Subic at Olongapo sa Zambales at mga bahagi ng Bataan, Rizal, Laguna at Quezon.

Ayon kay PAGASA weather forecaster Chris Perez, walang binabantayang bagyo na papalapit sa bansa at ang habagat ang siyang nakakapag-paulan sa maraming lugar sa Luzon.

Pinapayuhan naman ng PAGASA ang publiko na manatiling nakamonitor sa mga susunod na abiso ng weather bureau dahil posibleng maglabas ng rainfall warning sa sandaling magpatuloy ang mga nararanasang pag-ulan.

 

Read more...